Saturday, 30 March 2013

PAGIBIG-LOVE


Ang pag-ibig nga nama’y sadyang napaka-galing.
Dahil iisa ka parin sa puso’t isipan ko kahit na ako’y maging duling.
Dahil kahit maging dalawa ang puso ko, dalawang beses kitang mamahalin.
Dahil nga naman sa pag-ibig… at ikaw ang aking salarin.

Kahit ‘di man tayo itinakda para sa isa’t isa, akin ay ipipilit.
Dahil ang mga kaya kong gawin para sa’yo… ay walang limit.
‘Di ko man kayang magpalakad ng pilay, pero ang nakakalakad ay kaya kong pilayin.
Pero kahit ‘di ka man patay, pangako ko sa magulang mo na kaya kitang buhayin.

Kung masama ang mahalin ka, edi sana hinuli na ako ng mga kagawad.
Kung masama ang mahalin ka, edi hihingi nalang ako ng tawad.
Masisigurado kong ang pag-iwan ko sa’yo ay ‘di maaari.
Pero kapag ako’y iniwan mo, sinta, ako’y magpapari.


Read more: http://pilosopogyno.tumblr.com/page/2#ixzz2P0lkhmJR


(c) PILOSOPGYNO

No comments:

Post a Comment